Maraming magagandang tanawin dito sa Batangas. Heto ang ilan sa mga lugar na maari mong puntahan kapag nakarating ka sa probinsya ng magigiting!
Canyon Cove Beach Club
Mamamangha ka sa rikit at ganda ng Canyon Cove Beach Club sa Nasugbu, Batangas. Madalas itong dinarayo ng iba't ibang malalaking personalidad sa Showbiz para magpahinga at pagdausan ng malalaking pagdiriwang tulad ng Wedding. Sa tuwing ako'y mapapagawi dito, hindi mawawalan ng artista na nagshoo-shooting o nagpapahinga. Ang lugar na ito ay isa sa mga nagpapataas ng Turismo, hindi lamang sa Batangas, kundi sa buong Pilipinas. Kahit lumubog na ang araw, mabibighani ka pa rin sa ganda ng resort na ito. Para kang dinala sa ibang bansa. Napaka-organisado rin ng mga pasilidad dito. Ano pang hinihintay mo? Bisitahin na ang Canyon Cove Beach Club, Ala eh!
|
Malapit dito, maari ka ring pumunta sa Terazzas de Punta Fuego, isang resort din sa Nasugbu.
|
matabungkay beach resort
Isang napakagandang beach sa Lian, Batangas. Lahat ng kwarto rito ay naglalaman ng Air Condition, Hot & Cold Shower, at may Access sa Private Beach at Swimming Pools. Nag-oorganisa rin sila ng mga iba't ibang pagdiriwang tulad ng Outing, Shooting, at Beach Weddings. Bukod dito, may mga inihanda rin sila na 'entertainment' tulad ng Café Caballero, Wave Music Lounge & Sports Bar, Pool Bar, Playa Grill, Cogon bar, Outdoor Games, Laser Tag at iba pa. Sulit na sulit din kung rerenta ka ng mga tents. Langhapin ang sarap ng hangin sa Matabungkay Beach Resort.
|
|
Kabayan Beach Resort
Kabayan, Punta na sa ipinagmamalaki ng Laiya, San Juan, Batangas. Itinayo ito noong 1996 bilang isang resthouse ngunit dahil sa kagandahan ng lugar, mas lalo pang nabigyang bansin ang resort na ito hanggang sa makilala sa buong Batangas, pati na rin sa Pilipinas. Ang maputing buhangin, maayos na pasilidad, sulit at murang presyo, at ang iba't ibang mga tindahan at restaurants dito ang dahilan kung bakit patuloy na dinarayo ang Laiya, San Juan, Batangas. Kabayan Beach Resort, Ala eh, punta na dine!
|
|
Taal Basilica
Ang Basilica de San Martin de Tours sa Taal, Batangas ang pinakamalaking simbahan sa Asya. Mayroon itong taas na 96 meters (315 ft. long) at 45 meters (148 ft. wide) Si St. Martin of Tours ang patron nila doon. Ang "bell" o kampana nila doon ay kinokonsidera ring pinakamalaki sa buong Asya. Ito ay isang napaka-historikal at napakagandang simbahan kung kaya't tara na, byahe na tayo sa Taal!
|
|
HTML Comment Box is loading comments...