Ito ang ilan sa mga masasakayang kapistahan sa lalawigan ng Batangas.
Calacatchara Festival
Ang Calacatchara Festival na ipinagdiriwang tuwing Oktubre 24 ay ginaganap sa bayan ng Calaca, Batangas.
|
Court Dancing (BPSHS)
|
Ipinagdiriwang ang “Parada ng Lechon” kasabay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Bautista sa Balayan, Batangas. Ito ay ginaganap tuwing Hunyo 24 kada taon.
|
|
Sinukmani Festival
Tuwing Hunyo 9, ang Sinukmani Festival ay ginaganap sa Rosario, Batangas. Ang Rosario ang siyang tinaguriang “Rice Granary of Batangas” kaya ang pagdiriwang ay hango sa bigas. May 48 barangay ang Rosario, lahat sila sa pamumuno ng opisyal ng kanilang barangay ay lumalahok sa taunang pagtitipon.
|
|
Sublian Festival
Ito ay ginaganap tuwing 23 ng Hulyo. Ito ay orihinal na nagumpisa bilang debosyon sa Banal na Krus. Nang magtagal, ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala bilang “Subli”. Ito ay isang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueño na naging isang ganap na pista kung saan ang mga mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sa buong bayan ng Bauan, Batangas bilang paggunita ng kanilang araw ng pagkakakilanlan.
|
|
Sigpawan Festival
Ang bayan ng Lemery sa Batangas ay nagdiriwang ng Sigpawan Festival tuwing Abril 8. Dito naipapamalas nila ang kanilang agro-torismo. Ang pagdiriwang ay nagpapakita ng mayamang kultura at likas na yaman ng Lemery. Ipinapakita din ang iba’t ibang produktong agrikultural, at ang pinakasikat na sinaing na tulingan.
|
|
HTML Comment Box is loading comments...