Atchara
Ang atsara, buro o binuro ay mga pagkaing binabad sa matamis at maasim na likido, katulad ng berde at hilaw na papaya hilaw na mangga, pipino, mustasa, apulid, at iba pang mga gulay at prutas. Ang binurong itlog ay kilala bilang itlog na maalat, itlog alat o itlog na pula. Karaniwang isinisilbi ito bilang katambal ng mga pinirito o inihaw na mga isda o karne. Bukod sa papaya, marami ring maaring gamitin bilang sangkap sa paggawa ng masarap na Atchara, tulad ng Ampalaya at marami pang iba. Ito ay kadalasang ginagawa o natitikman sa bayan ng Calaca, Batangas. Sa katunayan, ang pagdiriwang ng Pista ng Calaca ay tinatawag na "Calacatchara Festival." |
HTML Comment Box is loading comments...