BATANGAS
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Batangas /ba·táng·gas/ ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napapaligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island Passages sa timog matatagpuan ng Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina. Ang Batangas naging isang ganap na lalawigan noong Marso 15, 1581 sa pamamagitan ng isang Kautusan mula sa Hari ng Espanya at ngayon ay binubuo ng 31 munisipyo (bayan) at 3 lungsod. Nahahati rin ito sa apat na Distritong Pampalabatasan na nagtatalaga ng apat na puwesto sa Mababang Kapulungan ng Palabatasan ng Pilipinas. Ang Kabisera nito ay ang Lungsod ng Batangas at ay matatapuan sa 13.35 hilagang latitude at 121.10 silangang longitude. Ang lalawigan ay may kabuuang sukat na 316,580 hektarya. |
|
Ikaw ay malayang tuklasin ang ganda ng Batangas. Mula sa mga maririkit na pook, masasarap na pagkain, masasayang kapistahan, sikat na mga personalidad hanggang sa pamunuan at edukasyon. Halina, byahe tayo!
Inihanda nina: Elaissa B. Bautista, Denise Reign Mutia, Crisandra Amores, Isko ng Batangas!